Ibinunyag ng Philippine Amusement and Gaming Corp. (Pagcor) na isang dating Cabinet secretary ang umano’y protektor ng illegal na Philippine Offshore Ga­ming Operators (POGOs) na kamakailan ay sinalakay dahil sa illicit activities.

Batay sa pahayag na inilabas ni Pagcor Chairman at Chief Executive Officer Alejandro Tengco, hinihika­yat nito sa mga awtoridad na imbestigahan ang umano’y partipasyon ng mga dating government officials at mga kasabwat sa pagbibigay ng lisensiya sa mga POGO operators na kuwestiyonable ang backgrounds.

Hindi muna binanggit ni Tengco ang pangalan ng dating government official subalit tiniyak nito na ilulutang niya ito sa tamang lugar at kung paano kumalat at lumaki ang illegal na offshore gaming operations.

Kailangan anya na lumabas ang katotohanan kung paano nabigyan ng lisensiya o permit ang nasa 298 POGOs dahil nasa 43 lamang ang may lisensiya.

Dagdag pa ni Tengco, tungkulin ng gobyerno na walisin ang mga illegal na gawain kabilang ang illegal operators at mga “backers” nito dahil nagdadala ito ng malaking banta sa bansa.

-- ADVERTISEMENT --