Sumakabilang-buhay na si dating House Speaker Jose de Venecia Jr. ngayong araw na ito sa edad na 89.

Ito ang kinumpirma ng mga local officials sa Dagupan City, Pangasinan.

Nagsilbi siyang miyembro ng House of Representative para sa 4th District ng Pangasinan.

Si De Venecia ay mahalagang kaalayado ni dating Pangulong Fidel Ramos at Gloria Macapagal Arroyo.

Siya ay nagsilbing instrumento sa pagpasa ng mahigit 200 reform laws at nagkaroon siya ng mahalagang papel sa rehabilitasyon ng Dagupan sa nangyaring lindol noong 1990

-- ADVERTISEMENT --

Kasama si De Venecia na founderng Global Peace Foundation International Conference of Asian Political Parties (ICAPP).

Kinilala siya sa kanyang mahahalagang kontribusyon sa peace process sa bansa, kabilang ang negosasyon sa Moro National Liberation Front at ang Global Peace Foundation RAM-YOU.

Ipinanganak si De Venecia noong 1936, kung saan nagsilbi siyang House Speaker ng limang termino noong 1992-hanggang 1998, at 2001 hanggang 2008.

Siya ang arkitekto ng “Rainbow Coalition” sa ilalim ni Ramos.

Tumakbo siya bilang Pangulo noong 1998 ngunite natalo siya kay Joseph Estrada.

Kilalang pamilyang pulitiko ang pamilya De Venecia sa Pangasinan, kabilang ang kanyang asawa na si Gina De Venecia at anak na si Christopher de Venecia.

Sa ngayon wala pang inilalabas ang pamilya sa dahilan ng pagpanaw ni De Venecia.