
Ibinahagi ni SP Pro Tempore at Senate Blue Ribbon Committee, Chairperson, Senador Ping Lacson na paiimbitahan na rin nila sa susunod na flood control hearing sina dating HS Martin Romualdez at resigned Congressman Zaldy Co.
Ito ay kasunod ng pagkakadawit ng kanilang pangalan sa testimonya ni Orly Guteza.
Ayon kay Guteza, isa raw siya sa mga tagabuhat at nagdedeliver ng pera sa bahay ng dalawa.
Samantala, para magawa ito magpapadala raw ng invitation letter ang komite sa address ni Co habang ang imbitasyon para kay Romualdez ay idadaan naman kay HS Faustino Dy III.
Kung sakaling hindi haharap si Co sa pagdinig ay mag-iissue raw agad sina Lacson ng subpoena at di kalana’y show-cause order.
Sa pagkakataon na hindi maging ‘satisfactory’ ang sagot nito sa show-cause order ay ipapa-cite in contempt nila ito.