Nangako si dating Ilocos Sur Governor Luis “Chavit” Singson na tututukan niya ang modernization ng transport system ng bansa at magbibigay ng mga higit na kailangang suporta ng jeepney drivers, kasabay ng kanyang paghahain ng kanyang certificate of candidacy (COC) sa pagka-senador.

Ang kanyang flagship project, isang state-of-the-art electric jeepney (e-jeepney) manufaturing plant sa Batangas ay magsisimula ang operasyon sa 2025.

Ang disenyo ng e-jeepneys ni Singson ay kayang magsakay ng 28 pasahero na air-condtioned pa, na nangangako ng mas komportableng biyahe para sa mga mananakay at mas mataas na kita ng jeepney drivers.

Nangako din si Singson na magiging accessible sa mga drivers sa pamamagitan ng financing scheme na walang downpayment, walang collateral, at walang interest, na ayon sa kanya ay kaya niyang gawin.

Sinabi niya na layunin nito na mabawasan ang financial burden sa mga drivers habang tintiyak ang benepisyo mula sa modernization.

-- ADVERTISEMENT --

Bukod dito, sinabi niya na hindi lamang makakatulong ito sa drivers sa halip ay makakatulong din ito sa matagal ng problema sa air pollution at traffic congestion sa urban areas sa bansa.