TUGUEGARAO CITY- Iniimbestigahan pa ng PNP ang motibo at mga suspect sa pagbaril-patay kay Richard de San Jose, dating mayor at naging vice mayor din ng Flora, Apayao kagabi.

Sinabi ni PEMS. Efren Pelagio, OIC ng PNP Flora na sa kanilang paunang pagsisiyat, nakikipag-inuman ang biktima sa ibang kasamahan sa harap ng isang restaurant sa Poblacion West nang biglang may bumaril kay de San Jose.

Nagtamo ng tama sa likod ang biktima na tumagos sa kanyang katawan.

Sinabi ni Pelagio na batay sa pahayag ng mga kasama ng biktima ay nakasuot ng camouflage ang dalawang suspect na naglakad lang na umalis matapos ang pamamaril.

-- ADVERTISEMENT --

Idinagdag pa ni Pelagio na inaalam na rin nila kung may kaugnayan sa pagiging Indigenous People’s Mandatory Representative ang pagbaril sa biktima.

Sinabi pa ni Pelagio na dinala pa sa Flora District Hospital gamit ang police car ang biktima .