
Itinalaga ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. si dating Philippine National Police chief Nicolas Torre III bilang Metropolitan Manila Development Authority General Manager, kapalit ni Procopio Lipana.
Kinumpirma ni Palace press officer Undersecretary Claire Castro ang appointment ni Torre.
Itinalaga si Lipana, retired police colonel sa MMDA noong November 2022.
Nagsilbi siya sa police force sa loob ng 34 taon bago siya itinalaga sa MMDA.
Samantala, tinanggal si Torre sa PNP noong Agosto, tatlong buwan lamang matapos siyang italaga dahil sa disobedience sa direktiba ng National Police Commission.
Isiniwalat din ito ni Marcos sa ikatlong bahagi ng kanyang fourth episode ng kanyang BBM podcost noong Setyembre.
Sinabi ni Marcos na hindi kasundo ni Torre ang NAPOLCOM.
Gayunman, pinabulaanan ni Marcos na nawala ang tiwala niya kay Torre, na inilarawan niya na isang excellent police officer.










