Naghain ng certificate of candidacy si retired Police Brigadier General Steve Ludan na kakandidato bilang kongresista ng lone ditrict ng Kalinga.

Si Ludan ay nagsilbing regional director ng Police Regional Office 2 (PRO 2) at nagretiro siya noong December 19, 2022 matapos maabot ang kanyang mandatory retirement age.

Siya ay tubong Lubo, Tanudan, Kalinga.

Sinabi ni Ludan na kung siya ay papalarin, gusto niyang magpatupad ng pagbabago sa congressional seat na ang prayoridad ay ang kagustuhan ng mga mamamayan, kasabay ng pangako na sisikapin niyang mapaunlad ang social at economic status ng Kalinga.

Naniniwala siya na kahit walang malaking political power, ang tao na nagtataglay ng mahusay na moral force ay makakagawa ng makabuluhan na pagbabago sa pamamagitan ng kanilang kakayahan sa pagsusulong ng good governance, transparency at accountability.

-- ADVERTISEMENT --

Isa sa mga naghain na rin ng COC na makakalaban ni Ludan si Tinglayan Mayor Sacrament Gumilab.

Sinamahan si Ludan ng kanyang mga supporters sa kanyang paghahain ng COC.

Samantala, naghain na rin ng kanyang COC si James Edduba na muling tatakbo bilang gobernador at si Toni Bakidan sa pagka-bise gobernador.