Isang dating security aide ni dating House Speaker Lord Allan Velasco ang nag-angkin na mahigit P2 bilyon na cash ang naihatid niya kay Vice President Sara Duterte sa mahigit 20 pagkakataon.

Ayon kay Police Corporal Rodulfo Gracioso Jr., siya umano ang naghatid ng mga maleta na naglalaman ng P20 milyon hanggang P50 milyon bawat isa, sa utos ni Velasco.

Sinabi ni Gracioso na nagsimula siyang magsilbi bilang head of security ni Velasco noong 2018 at nagpatuloy hanggang sa speakership nito mula 2020 hanggang 2022.

Ayon sa kanyang sinumpaang salaysay na ibinigay ng National Bureau of Investigation sa GMA News, kabilang umano sa mga pinaghatiran niya ng cash sina Sara Duterte, dating Pangulong Rodrigo Duterte at Davao City Representative Paolo Duterte.

Hindi pa naman nakasaad sa ulat ang tugon nina Sara Duterte o Velasco sa mga alegasyon ni Gracioso.

-- ADVERTISEMENT --