TUGUEGARAO CITY-Wala ng buhay at naagnas na ang isang dating security guard nang makita ng kanyang kapatid matapos makuryente sa kanilang bahay sa Lal-lo, Cagayan.

Ayon kay Police Senior Master Sergeant Gilbert Columna, gabi ng setyembre 27, 2019 nang maiwang mag-isa ang biktima na si Rogelio Fontiveros, 57-anyos,residente ng Brgy Centro nang magtungo ang kanyang kapatid na si Virginia Hermosa sa kalapit na Brgy. para dalawin ang kanyang anak.

Dalawang araw ang nakalipas ay pinabalik ng kanilang kaanak na nasa ibang bansa si Virginia sa kanilang bahay dahil hindi nila makontak ang biktima.

Laking gulat ni Virginia ng kanyang makita na wala ng buhay ang kapatid.

Sa naging imbestigasyon ng pulisya, sumabog ang cellphone ng biktima na nakacharge na sanhi ng kanyang pagkakakuryente at dahil mag-isa lamang ito ay walang nakapansin sa naturang pangyayari.

-- ADVERTISEMENT --

Wala namang nakikitang foul play ang kapulisan sa naturang pangyayari.