
Pinangalanan ni President Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. si dating Supreme Court Associate Justice Andres Reyes Jr. bilang chairperson ng Independent Commission for Infrastructure (ICI), ang lupon na magsasagawa ng imbestigasyon sa maanomalyang flood control projects.
Inihayag ito ni Marcos sa press conference sa Kalayaan Hall.
Matatandaan na nitong araw ng Sabado, inilahad ng Malacañang ang dalawang miyembro ng ICI na kinabibilangan nina dating Public Works Secretary Rogelio “Babes” Singson at Rossana Fajardo, country managing partner sa auditing firm SGV and Co.
Itinalaga naman ni Baguio City Mayor Benjamin Magalong bilang special adviser.
Sa pamamagitan ng Executive Order No. 94, inatasan ang ICI na magsagawa ng imbestigasyon at aralin ang mga ebidensiya, intelligence reports, at impormasyon, laban sa lahat ng government officials at mga kawani, at iba pang indibidual na sangkot sa mga anomalya, iregularidad, at hindi tamang paggamit ng pondo sa planning, financing, at implementation ng government flood control at iba pang infrastructure projects.