Bumalik sa Capitol Hill si dating US President Donald Trump para makipagkita sa Republicans sa kanyang unang pagbisita buhat nang mangyari ang riot ng kanyang mga supporters sa Congress tatlong taon na ang nakalipas.

Nagbigay ng mensahe ng unity si Trump at nangakong aayusin ang anomang hindi pagkakaunawaan sa kanyang partido.

Una rito, nakipagpulong si Trump sa asscociation ng 100 corporate leaders.

Hindi na nagpaunlak ng mga tanong si Trump at kumaway lamang sa mga supporters na sumisigaw ng suporta sa kanya.

Sinabi naman ni House Speaker Mike Johnson na nagdala ng enerhiya at lakas si Trump sa kanyang pagbisita.

-- ADVERTISEMENT --

Ayon naman kay Matt Gaetz, Florida Republican ang pulong ni Trump sa House Republicans ay “pep-rally environment” para sa dating pangulo.