TUGUEGARAO CITY- Binigyan ng posthumous award ng Sangguniang Panlungsod ng Tuguegarao ang si Councilor Danilo Baccay kaninang umaga kasabay ng kanilang special session para sa nasabing hangarin.
Sinabi ni Vice Mayor Bienvenido De Guzman, matapos na pagbigyan ng pamilya ang kahilingan ng konseho na dalhin din ang mga labi ni Baccay sa session hall, tinanggap ng asawa at anak ang nasabing pagkilala para sa mga naging kontribusyon at nagawa ni Baccay sa lungsod sa kanyang panunungkulan sa loob ng 20 taon.
Inilarawan ni De Guzman si Baccay na masipag, mapagbigay at may puso na nagsilbi sa lungsod.
Pumanaw si Baccay sa edad ng 67 noong gabi ng July 13, 2022
Nagsilbi bilang miyembro ng City Council si Danny Baccay mula 1992-2001, 2004-2007, 2016-hanggang sa kanyang pagpanaw.
Naging Vice Mayor naman siya ng lungsod mula 2003-2013.
Si Danny Baccay ay nakakatandang kapatid ni Archbishop Ricardo Baccay at tubong Tuguegarao City.
Samantala, sinabi ni De Guzman na may napili na silang maaaring pumalit kay Baccay bilang konsehal subalit isinasantabi muna ito hanggang sa siya ay maihatid sa huling hantungan.