Inihayag ni dating Vice President Leni Robredo na hindi na siya tatakbo sa anumang national position sa 2028 elections.

Mas pinili niyang manatili sa lokal na pamahalaan at balak niyang tumakbo muli bilang mayor ng Naga City para sa ikalawang termino.

Ayon kay Robredo, sigurado na siya sa desisyong ito kahit may mga nananawagan na bumalik siya sa national politics.

Gusto niyang tutukan ang mga proyektong sinimulan niya sa Naga, dahil pakiramdam niya ay kulang ang tatlong taon para matapos ang lahat ng nais niyang gawin.

Si Robredo ay dating naging pangunahing lider ng oposisyon, lalo na noong administrasyon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.

-- ADVERTISEMENT --

Matapos siyang matalo sa 2022 presidential election kina Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at Vice President Sara Duterte, pansamantala siyang umatras sa national politics.

Ayon sa ilang political analysts, ang desisyon niyang hindi tumakbo sa 2028 ay maaaring makaapekto sa lakas ng oposisyon laban sa posibleng ambisyon ni Sara Duterte sa mas mataas na posisyon.