
Inilatag ng Department of Budget and Management o DBM ang mga proyektong popondohan sa P111.9 bilyong unprogrammed appropriations o UA sa panukalang P7.2-trilyong pambansang budget para sa 2027.
Ayon kay Budget Secretary Kim Robert de Leon, katumbas lamang ito ng 1.6 porsiyento ng kabuuang expenditure program at pinakamababa umanong proposed UA sa nominal terms mula 2019.
Kabilang sa mga paglalaanan ng UA ang P57 bilyon para sa restoration ng fund balances ng Philippine Deposit Insurance Corporation, P42.5 bilyon para sa foreign-assisted projects, P8.8 bilyon para sa conversion ng national government advances bilang subsidy sa GOCCs, at P3.6 bilyon para sa risk management program.
Sinabi ni De Leon na layunin ng DBM na higit pang bawasan ang UA at maging mas disiplinado ang paggamit nito, kasabay ng patuloy na pagsusuri dahil may nakabinbing kaso sa Supreme Court tungkol sa unprogrammed appropriations.
Iginiit din ng kalihim na ang UA ay hindi blank check o unlimited spending authority dahil may tiyak itong layunin at mga kundisyong kailangang matugunan bago mailabas ang pondo.










