
Umabot na sa 20 ang nasawi habang tinatayang 320 katao ang nasugatan matapos yanigin ng malakas na lindol na may lakas na 6.3 magnitude ang hilagang bahagi ng Afghanistan nitong Lunes, ayon sa ulat ng Ministry of Public Health.
Apektado ng pagyanig ang mga lalawigan ng Balkh at Samangan, kung saan karamihan sa mga residente ay nagtamo ng pinsala at pagkawasak ng mga tahanan.
Itinuturing pa lamang na pansamantala ang tala ng mga nasawi at sugatan habang nagpapatuloy ang mga operasyon ng pagsagip at pagtugon ng mga otoridad.
Patuloy namang nagbabantay ang mga lokal na opisyal at mga grupo ng humanitarian aid sa posibleng pagtaas pa ng bilang ng mga biktima habang nagpapatuloy ang paggalugad sa mga lugar na matinding tinamaan ng lindol.
Base sa US Geological Survey, tumama ang lindol sa Mazar-e-Sharif, ang tahanan sa kalahating milyong residente dakong ala-una ng madaling araw local time.
May lalim itong 28 kilometers at minarkahan na nasa orange alert level na nangangahulugang posible ang “significant casualties”.










