
Umabot sa 66 porsiyento ang debt-to-GDP ratio ng Pilipinas sa unang kwarter ng 2026, ang pinakamataas na antas sa mahigit dalawang dekada at pinakamalapit sa naitala bago ang Asian Financial Crisis noong 1997. Batay sa datos, tumaas ito mula 65.2 porsiyento noong unang quarter at 63.2 porsiyento noong 2025, kasabay ng paglobo ng kabuuang utang ng pamahalaan sa rekord na P19.065 trilyon.
Ayon sa mga ulat, bumagal din ang paglago ng ekonomiya sa 2.3 porsiyento sa ikalawang quarter ng taon, habang umabot lamang sa 2.6 porsiyento ang paglago sa unang anim na buwan ng 2026. Sinabi ni Rizal Commercial Banking Corporation Chief Economist Michael Ricafort na kailangang paigtingin ng pamahalaan ang pangongolekta ng buwis, higpitan ang paggasta, at palakasin ang kampanya laban sa katiwalian upang mapababa ang budget deficit at mapigilan ang patuloy na paglaki ng utang ng bansa.
Layunin naman ng economic managers ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na maibaba sa mas mababa sa 60 porsiyento ang debt-to-GDP ratio pagsapit ng 2028.










