Kinumpirma ni Bagong Alyansang Makabayan (BAYAN) Chairperson Teddy Casiño na hindi dumalo sina dating Anakalusugan Rep. Mike Defensor at abogadong si Atty. Ferdinand Topacio sa isinagawang pagtitipon ng White Ribbon Movement sa EDSA People Power Monument nitong Linggo.

Ito’y sa kabila ng nauna nilang pahayag na dadalo sila sa naturang pagtitipon.

Sa isang panayam sinabi ni Casiño mas makabubuti sana kung dumalo ang dalawa upang mapakinggan ang naging programa ng pagtitipon.

Matatandaang inanunsyo ni Defensor sa isang social media post ang plano niyang dumalo sa naturang pagtitipon.

Gayundin ang naging tugon ni Topacio at hinamon pa si Casiño na paiiyakin umano niya ito kung haharangin siya nito sa EDSA People Power Monument.

-- ADVERTISEMENT --

Ayon pa kay Casiño, ipinakikita lamang ng pagtitipon na nananatili pa rin ang mga isyung naging sentro ng mga kilos-protesta noong nakaraang taon.

Dahil ‘wala naman daw pinagkaiba ang ang White Ribbon Movement sa mga naunang pagkilos laban sa korupsiyon.

Iginiit din ng BAYAN chairperson na mahalagang ipagpatuloy ang pagbabantay at pagkilos upang hindi masayang ang mga naunang panawagan para sa pananagutan at reporma.

Matatandaang nagsimula ang serye ng mga kilos-protesta noong Setyembre 2025 kasunod ng pagputok ng isyu hinggil sa mga umano’y maanomalyang flood control projects ng pamahalaan.