
Nagbabala si Rep. Leila De Lima (Liberal Partylist) na hindi dapat balewalain ng mga mambabatas ng Kamara De Representantes ang maagang deklarasyon ni Vice President Sara Duterte sa pagtakbo bilang pangulo sa 2028 national elections.
Paliwanag ni De Lima, maaaring nais ipahiwatig ng pangalawang pangulo sa mga mambabatas na mag-ingat sa pagtrato sa mga inihaing impeachment complaint laban kay Duterte, dahil posibleng siya ang susunod na presidente.
Maari umanong pahirapan ang ilang mambabatas kung mangyari ito.
Ngunit iginiit ni De Lima na inaasahang kikilos pa rin ang nakararaming mambabatas sa mga reklamo, na nagmula sa mga pribadong indibidwal, at hindi dapat ipawalang-bisa dahil sa deklarasyon ng bise presidente
Tulad ng mga kaso laban kay Pang. Ferdinand Marcos Jr., kailangang aksyunan ng Kamara ang mga impeachment complaint laban kay VP Sara.










