Naniniwala si dating world champion Oscar Dela Hoya na makukuha ni undefeated American fighter Floyd Mayweather Jr. ang panalo sa oras na muli nitong makaharap si Manny Pacquiao sa kanilang rematch.

Ayon kay Dela Hoya, nananatiling matikas ang porma ni Mayweather sa kabila ng ilang taon nitong pamamahinga sa professional boxing.

Hindi pa rin aniya nawawala ang bagsik ni Mayweather na magiging armas nito laban kay Pacquiao.

Nasa 49-anyos na si Mayweather habang 47-anyos naman si Pacquiao.

Hindi pumabor si Dela Hoya kay Pacquiao matapos nitong mapanood ang huling laban ng Pinoy champion.

-- ADVERTISEMENT --

Sinabi ni Dela Hoya na unti-unti nang naglalaho ang mabangis na kamao ni Pacquiao tulad noong nasa prime pa ito.

Sa katunayan, naramdaman ng husto ni Dela Hoya ang kamao ni Pacquiao noong 2008 nang pabagsakin ito ng Pinoy boxer sa pamamagitan ng eight-round knockout.