TUGUEGARAO CITY-Isusulong umano ni dating PNP Chief Ronald Dela Rosa ang mandatory Reserve Officer Training Corps o ROTC sa pag-upo niya sa senado.

Sinabi ni Dela Rosa na mahalaga na may reserved forces ang Armed Forces of the Philippines upang may magamit sakaling may mangyayaring giyera at bilang paghahanda laban sa ibang bansa na nagbabalak na sakupin ang Pilipinas.

tinig ni Dela Rosa

Bukod dito, sinabi niya na ito rin ay upang miiwas ang mga kabataan sa mga panghihikayat ng makakaliwang grupo at mas magiging disiplinado ang mga ito.

muli si Dela Rosa