Huli ang isang delivery boy sa isinagawang drug buy-bust operation sa Barangay Lanna, Solana, Cagayan.

Kinilala ng Solana Police Station ang suspek na si alyas “Mando,” 42-anyos, residente ng nasabing bayan.

Hinuli ang suspek matapos na bentahan ng dalawang supot ng pinaghihinalaang shabu ang nagpanggap na buyer mula sa nagsagawa ng operasyon.

Tinatayang may timbang na 0.4 grams ang shabu.

Nakuha pa sa suspek ang isa pang sachet ng pinaghihinalaang shabu at ang ginamit na pera na P1,000 at isang piraso ng peke na P1,000.

-- ADVERTISEMENT --

Isinagawa ang inventory, markings, at pagkuha ng litrato ng mga nakumpiskang ebidensya sa mismong lugar ng operasyon, sa presensya ng suspek at mga saksing kinabibilangan ng isang Barangay Kagawad at media representative.

Sinampahan ng kaso ang suspek na paglabag sa Sections 5 at 11 ng Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.