TUGUEGARAO CITY-Ginawaran ng Department of Environment and Natural Resources (DENR)- Region 2 ng certificate of commendation ang pitong personnel ng National Bureau of Investigation (NBI) sa lambak Cagayan.

Iginawad ang pagkilala ni Regional Executive Director Gwendolyn Bambalan kina Supervising Agent Chris Mesa, Supervising Agent Julie Ann Tarona, Senior Agent Clyde Cabasag, Senior Agent Pia Hazel Soga-ang, Senior Agent Martinelli Cobsen, Special Investigator Denver Louie Cabaluna kasama si Patrolman Jay-Ar Bartolome kasabay ng isinagawang Regional Management Conference dito sa lungsod ng Tguegarao ngayong araw, Hulyo 23,2020.

Binigyan ng pagkilala ang mga nasabing mga law enforcers dahil sa matagumpay na implementasyon ng batas pangkalikasan na nagresulta sa pagkahuli ng 13,031.91 board feet na iligal na tinistis na kahoy sa bayan ng Baggao at PeƱablanca nitong buwan ng Abril.

Malaking tulong din ang ahensiya sa pagsasampa ng kaso laban sa mga lumalabag sa batas na may kaugnayan sa proteksiyon ng kalikasan.

Pinasalamatan naman ni Undersecretary for Field Operations, Enforcement and Muslim Affairs Jim Sampulna na pangunahing bisita sa nasabing management conference ang pakikipagtulungan ng NBI sa pagsisikap ng ahensiya na mapangalagaan ang kapaligiran.

-- ADVERTISEMENT --

Tiniyak naman ng NBI ang kanilang suporta sa kampanya ng DENR laban sa mga nagsasagawa ng iligal na pagtotroso.with reports from Bombo Marvin CAngcang