Umapela ngayon ang Department of the Environment and Natural Resources (DENR) Region 2 sa mga Local Government Units sa Cagayan Valley Region na gumamit ng mga geohazard maps na kanilang inilabas para sa land use planning upang maiwasan ang pagkawala ng buhay at ari-ariaan sa panahon ng kalamidad

Sinabi ni Regional Executive Director Gwendolyn Bambalan ng denr na isinumite nila ang kanilang updated Mines and Geosciences–prepared geohazard maps sa mga probinsya, lungsod at munisipalidad sa rehiyon.

Ginawa ni Bambalan ang panawagan sa mga local na pamahalaan sa pagsisimula ng tag-ulan na posibleng magdulot ng pagguho ng lupa at flash flood sa mga high-risk at low-lying areas.

Inihayag niya na napatunayang tumpak ang kanilang GeoHazard Map sa pananalasa ng super typhoon ‘Ulysses’ noong Nobyembre 11, 2020 dito sa lambak Cagayan

Dagdag pa ng opisyal na panahon na para i-assess ang Comprehensive Land Use Plan sa mga LGU at isaalang-alang ang Integrated Coastal Management Approach na hindi lamang nakatutok sa low lying kundi pati na rin sa nangyayari sa upland ecosystem.

-- ADVERTISEMENT --