Inanunsyo ng Department of Trade and Industry–Small Business Corporation (DTI-SBCorp) ang pagpapalabas ng P15 milyon na pautang para sa unang batch ng mga transport cooperatives at operators sa ilalim ng E-Transport Loan Program.

Layunin ng programa na suportahan ang paglipat ng mga pampublikong sasakyan patungo sa electric vehicles, na may kabuuang pondo na P2 bilyon. Maaaring umutang ng hanggang P1.5 milyon kada sasakyan at hanggang P3 milyon kada borrower.

Kabilang sa unang benepisyaryo ang ilang transport cooperatives mula sa Metro Manila at mga karatig-probinsya.

Ayon sa DTI, layunin ng programa na matulungan ang mga operator at driver na magkaroon ng mas stable na kita habang nakakatulong din sa pagbawas ng polusyon.

Ang loan ay may hanggang 5 taon na bayaran, may 6 hanggang 12 buwan na grace period, at 1% monthly interest sa diminishing balance basis.

-- ADVERTISEMENT --