Binigyan diin ng Department of Education ang kahalagahan ng pagtutulungan ng mga stakeholders sa mga isinasagawang brigada eskwela upang maihanda ang mga paaralan sa pasukan.
Sinabi ni Amir Aquino, tagapagsalita ng DepEd Region 2 na ito ang laman ng mensahe ni Atty.Salvador Malana,undersecretary for operations ng DepEd sa regional kick off ceremony ng brigada eskwela sa Region 2 sa Masi Elementary School sa Rizal,Cagayan.
Ayon pa kay Aquino,nangako umano si Malana na kanyang ipaparating sa DepEd central office ang mga hinaing ng mga mag-aaral at mga guro na kanilang nakadaupang-palad sa nasabing aktibidad.
Kasabay ng nasabing aktibidad ay ang launching ng “project class home” na ang layunin ay makapagpatayo ng mga dormitoryo para sa mga mag-aaral na malalayo ang kanilang mga lugar sa mga paaralan.
Bukod sa brigada eskwela ay inilunsad din ang brihada opisina para ihanda ang mga pasilidad ng mga paaralan sa pasukan sa susunod na buwan.