TUGUEGARAO CITY-Hinikayat ng Department of Education (DEPED) ang mga katutubong agta na mag-aral.
Kasabay ng pagdiriwang ng indigenous peoples month sa bayan ng Lasam, sinabi ni Lito Ramos ng DEPED Division of Cagayan na nararapat lamang na mabigyan ng access sa right to education ang mga katutubo upang hindi sila mapag-iwanan.
Aniya, madalas na nagiging sentro ng diskriminsasyon ng mga mapagsamantala ang mga katutubong agta dahil sa kawalan ng edukasyon.
Nagpasalamat naman si Ramos sa pamahalaang lokal sa tulong upang makapag-aral ang mga katutubong Agta sa bayan ng Lasam, gayundin sa Cagayan Police Provincial Office at 17th Infantry Batallion Philippine Army.
Kasabay ng pagdiriwang, isinagawa ang medical at dental mission sa Barangay Sikalao na pinangunahan ng Cagayan Provincial Health Office na nakapaloob sa Community Support Program ng gubyerno na may layuning wakasan ang insurhensiya.