Nagsagawa ang Department of Education ng National Simultaneous School Safety Drill sa mga paaralan sa buong bansa upang palakasin ang kahandaan sa active threat scenarios at iba pang emergency.

Sa drill, isinagawa ng mga estudyante at school personnel ang mga protective action gaya ng pagsasara ng entry points, silent concealment sa mga lugar na malayo sa bintana, at pagrepaso sa evacuation routes.

Ayon sa DepEd, idinisenyo ang aktibidad upang mapaunlad ang kahandaan nang hindi nagdudulot ng takot o trauma sa mga bata. Ipinagbawal din ang paggamit ng aktuwal o simulated weapons, gunfire, pyrotechnics, at iba pang fear-inducing elements.

Isinagawa ang nationwide drill kasunod ng mga fatal shooting sa Ateneo de Zamboanga University noong Agosto 18 at San Jose National High School sa Tacloban City noong Hunyo 22.

-- ADVERTISEMENT --