Tuguegarao City- Nakatakdang magsagawa ng National Management Committee (MANCOM) meeting ang Department of Education (DepEd) ngayong araw.
Ito ay upang pormal na pag-usapan ang mga magiging hakbang ng naturang ahensya kaugnay sa pagtatapos ng school year, muling pagbubukas ng klase at iba pa.
Sa panayam kay Amir Aquino, tagapagsalita ng DepEd Region 2, masusi aniyang pinag-aaralan ng kagawaran ang magiging tugon mga pagbabago sa nasabing usapin dahil sa banta ng COVID-19.
Paliwanag nito, una ng naglabas ng End of School Year Order ang naturang tanggapan kung saan nakasaad na nakatakda sanang ganapin ang mga graduation ceremonies sa mga araw ng Abril 13-17.
Dahil aniya sa pinalawig na pagpapairal ng Enhanced Community Quarantine ay naapektohan ang pagsasagawa ng school rights ceremonies at naging imposible ang pagsasagawa nito.
Samantala, patuloy pa rin ang ginagawang pag-aaral ng naturang tanggapan kung kailan ang muling pagbubukas ng klase sa mga paaralan.
Sa ngayon ay muling nanawagan ang DepEd sa lahat na umantabay sa mga announcemnts o public advisories upang magabayan kaugnay sa mga nasabing usapin.