Tuguegarao City- Tiniyak ng Department of Education (DepEd) Region 2 na “all set” na ang lahat para gaganaping National Schools Press Conference (NSPC) sa lungsod.
Sa panayam ng Bombo Radyo kay Dir. Estela Cariǹo, tiniyak nito ang sapat na supply ng mga Alcohol at hygiene kits sa mga billeting area bilang panlaban sa banta ng COVID-19.
Ayon pa sa opisyal ay humiling na ito ng karagdagang mga medical personel na maitatalaga sa mga lugar kung saan nakabase ang mga deligado.
Samantala, inihayag ni Cariǹo na kinansela na ang pagkakaroon ng grand parade sa bahagi ng opening ceremony bilang tugon sa ipinatutupad na precautionary measures.
Sinabi pa nito na sa pagsasagawa ng opening ceremony ay 50 delegate mula sa ibat-ibang region lamang dapat dumalo upang makaiwas sa over crowding.
Malaki naman ang pasasalamat ni Cariǹo sa pagpuring natanggap mula sa mga kalahok dahil sa mainit na pagtanggap sa mga ito sa lungsod.