TUGUEGARAO CITY-Nakahanda na ang Department of Education (DEPED)-Region 2 sa isasagawang National Schools Press Conference (NSPC) at National Festival of Talents na gaganapin sa Region 2 sa Marso 9 hanggang 13.

Ayon kay Octavio Cabasag, chief education supervisor ng curriculum and learning management division ng DEPED-Region 2, handa na ang mga gagamiting billeting area ng nasa walong libong delegado maging ang mga contest venues.

Aniya, 17 eskwelahan ng lungsod ang nakatakdang gagamitin ng mga delegates bilang billeting area.

Gagamitin naman ang Saint Paul University bilang isa sa mga contest venues kung saan gaganapin ang collaborative and online publishing, sa University of Cagayan Valley naman ang tv broadcasting at sa Cagayan National High School ang individual writing contest at radyo broadcasting.

Kaugnay nito, sinabi ni Cabasag na sisimulan ang NSPC sa parada na magsisimula sa Saint Peter Metropolitan Cathedral patungo sa cagayan coliseum kung saan magsisimula ang national event.

-- ADVERTISEMENT --

Bagamat hindi sigurado ang Deped Region 2 kung makakadalo si Education Sec. Leonor Briones sa unang araw ng aktibidad, asahan naman umano ang kanyang pagdating sa gitna ng event.

Aniya, magiging pangunahing pandangal ng NSPC sa araw ng Lunes si Atty. Raymond Reynold Reyes Lauigan ang bagong talagang isa sa mga associate justices ng court of appeals na dating executive judge branch one regional trail court ng Tuguegarao City at isa ring national winner ng NSPC.

Tinig ni Octavio Cabasag

Samantala, Marso 10, 2020 naman ang opening ng National Festival of Talents na gaganapin sa probinsiya ng Isabela para hindi maging conflict sa pagsisimula ng NSPC sa lungsod ng Tuguegarao, ngunit sa marso 9 ay magsisimula na ang ilang aktibidad.