Inihayag ni Department of Education (DepEd) chief Sonny Angara na may pangangailangan na i-develop ang mga examination sa mga paaralan na makakatugma sa Programme for International Student Assessment (PISA).

Sinabi ito ni Angara matapos na ipunto na may sukatan sa spesipikong uri ng skills ang PISA exam na maaaring isang hamon sa mga estudyante sa kasalukuyang sistema ng pagtuturo sa bansa.

Ayon sa kanya, kailangan na magkaroon ng mas maraming PISA-like exams, dahil hindi tayo sanay sa ganitong uri ng pagsusulit.

Sinabi niya na tugon ito sa sinabi ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa kanyang State of the Nation Address na kailangan ng bansa ang mas maraming analytical thinkers.

Idinagdag pa niya na upang mapabuti ang kalidad ng edukasyon sa bansa, sinabi ni Angara na bilang bagong hepe ng DepEd, plano niya na isulong ang “culture of assessment and measurement.”

-- ADVERTISEMENT --

Binigyang-diin din niya ang kahalagahan ng integration ng technology sa education system, na makakatulong sa mga learners hindi lamang para mapaganda ang kanilang test scores, sa halip maging sa pagresolba sa “traditional problems” tulad ng kakulangan ng mga classrooms.

Noong 2022, sinabi ng PISA na anim na taon na nagpag-iwanan ang mga estudyante ng bansa sa mathematics, science, at pagbabasa kumpara sa 15-year-old counterparts mula sa karamihang kasaling mga bansa.