Umaasa si Education Secretary Sonny Angara na hindi siya makakasama sa sinasabing balasahan sa gabinete.

Sinabi ito ni Angara sa kabila na wala pang kumpirmasyon sa cabinet revamp.

Iginiit ni Angara na una nang pinabulaanan ng Malacañang na magkakaroon ng balasahan sa gabinete at hindi naman umano tinakaya ito ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa kanya.

Tumangging magbigay ng espekulasyon si Angara kung saan galing alingasngas na magkakaroon balasahan sa gabinete.

Una rito, sinabi ni Palace Press Officer Undersecretary Claire Castro, wala siyang natatanggap na impormasyon ukol sa cabinet revamp.

-- ADVERTISEMENT --

Gayunman, sinabi ni Catro na kasalukuyan pa ang regular performance review sa mga miyembro ng gabinete.