Ipinasakamay na ni outgoing Department of Education (DepEd) chief and Vice President Sara Duterte ang kanyang cabinet post kay Senator Sonny Angara.

Sa turnover ceremony sa main office ng DepEd sa Pasay City, ipinasa ni Duterte ang seal at watawat ng ahensiya kay Angara.

Sa kanyang talumpati, sinabi ni Angara na itutuloy niya ang mga programa na nasimulan ni Duterte sa ahensiya.

Matatandaan na nagbitiw bilang DepEd Secretary si Duterte noong buwan ng Hunyo na walang ibinigay na dahilan.