Naghahanap ang defense team ni Vice President Sara Duterte ng bagong spokesperson matapos pagbawalan ng impeachment court ang mga abogado ng prosekusyon at depensa na magsalita sa publiko tungkol sa merito ng kaso.

Si Atty. Michael Poa, na miyembro ng defense panel at spokesperson ni Duterte, ay nagsabing kinailangan niyang kanselahin ang ilang panayam dahil sa ruling ni Senate impeachment court presiding officer Francis “Chiz” Escudero.

Ayon kay Poa, kailangan ng bagong tagapagsalita na kayang ipaliwanag nang malinaw at simple sa publiko ang proseso ng impeachment at maging consistent sa posisyon ng depensa.

Nilinaw naman ni Escudero na hindi saklaw ng pagbabawal ang mga itinalagang spokesperson ng magkabilang panig at malaya silang magsalita tungkol sa kaso.

Samantala, nagbabala si Escudero na papatawan ng reprimand sa unang paglabag at P30,000 multa sa mga mauulit na lalabag sa Rule 18.

-- ADVERTISEMENT --