Mananatili ang parehong estratehiya ng defense team ni Vice President Sara Duterte sa pagpapatuloy ng impeachment trial ngayong linggo, ayon kay defense counsel Atty. Michael Poa.

Sinabi ni Atty. Poa na dahil prosekusyon pa lamang ang naghaharap ng mga ebidensya at testigo, nakatuon sa ngayon ang depensa sa pagsasagawa ng cross-examination. Aniya, dito nila ilalatag ang kanilang mga magiging hakbang laban sa mga testigong ihaharap ng prosekusyon.

Tumanggi namang ihayag ni Atty. Poa kung sino sa kanilang mga abogado ang mangunguna sa pagdinig ngayong linggo at sinabing malalaman na lamang ito sa mismong pagpapatuloy ng impeachment trial.