Umani ng pagtutol mula sa depensa ni Vice President Sara Duterte ang paggamit ng AI-generated images ng House prosecution panel upang ipakita ang itsura ng P125 milyon na confidential funds.

Ayon kay defense spokesperson Michael Poa, kinuwestiyon nila ang accuracy ng AI-generated images dahil maaaring hindi nito eksaktong mailarawan ang aktuwal na dami at itsura ng pera.

Ipinakita ng prosecution ang AI-generated image ng P125 milyon na naka-bundle sa P1,000 bills, gayundin ang apat na duffel bag na umano’y pinaglagyan ng cash.

Depensa naman ng prosecution spokesperson Benjamin Tolosa Jr., visual representation lamang ang mga larawan at hindi nila sinasabing aktuwal na pera ang ipinakita. Layunin umano nitong makatulong sa witness na mailarawan ang perang nakita at mga bag na pinaglagyan nito.

-- ADVERTISEMENT --