
Nagsagawa ng masusing imbestigasyon at pagsusuri ng datos ang Department of Migrant Workers (DMW) ukol sa ntanggap na ulat na may ilang Pilipinong seafarer na naide-deploy sa tinatawag na “shadow fleet.”
Ayon kay Migrant Workers Secretary Hans Leo Cacdac, delikado ang pagsakay sa ganitong uri ng barko.
Aniya, kadalasan ay kulang sa rehistrasyon ang mga barkong ito, hindi malinaw ang tunay na may-ari, at wala ring insurance o legal na proteksyon para sa mga tripulante.
Dahil dito, mariing nagbabala ang kalihim sa mga marino na huwag tanggapin ang mga deployment na hindi dumadaan sa tamang proseso ng DMW upang matiyak ang kanilang kaligtasan.
Sa kasalukuyan, nakatutok ang ahensya sa pagberipika ng mga dokumento upang mapigilan ang operasyon ng mga shadow fleet na nagsasamantala sa mga Pilipinong manggagawa.










