
Iniimbestigahan ng Department of Foreign Affairs (DFA) kung may mga Filipino nationals na apektado sa sunog sa isang bar sa Switzerland na ikinamatay ng hindi bababa sa 40 katao noong Bagong Taon.
Ayon kay DFA Spokesperson Angelica Escalona, ang embahada ng Pilipinas sa Berne ay nakikipag-ugnayan sa Swiss authorities upang alamin kung may naapektuhan na Pilipino.
Nagpahayag rin ng pakikiramay ang DFA sa mga biktima at sa Swiss Confederation dahil sa trahedya.
Batay sa paunang imbestigasyon ng Swiss authorities, posibleng sanhi ng sunog ang “fountain candle” sparklers na ginamit sa New Year’s party.
Naganap ang insidente bandang 1:30 a.m. sa isang bar-resort sa Crans-Montana, Switzerland, na nagdulot ng halos 100 sugatan at 40 nasawi.
-- ADVERTISEMENT --










