
Kinumpirma ni Foreign Affairs Secretary Ma. Theresa Lazaro ang kanyang pakikipagpulong kay Iranian Ambassador to the Philippines Yousef Esmaeilzadeh sa gitna ng umiigting na tensyon sa Middle East.
Ayon kay Lazaro, kasama niya sa pulong si Energy Secretary Sharon Garin kung saan tinalakay ang iba’t ibang larangan ng kooperasyon sa pagitan ng Pilipinas at Iran, kabilang ang energy cooperation.
Gayunpaman, hindi kinumpirma ng kalihim kung napag-usapan ang posibleng pag-angkat ng langis ng Pilipinas mula sa Iran.
Nauna nang sinabi ng Department of Energy na tumutulong na rin ang Department of Foreign Affairs sa pakikipag-ugnayan sa iba’t ibang ambassador kaugnay ng pagtiyak sa suplay ng langis ng bansa.










