Magkakaroon ng mga dialogue ang Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD) sa mga private developers upang pag-usapan ang mga hakbang na maaaring gawin upang maibsan ang epekto ng patuloy na krisis sa Middle East sa ekonomiya, ayon kay Secretary Jose Ramon Aliling.
Aniya, layunin ng hakbang na tiyakin na mayroong mga proactive measures upang mapagaan ang epekto ng tensiyon sa Gulf region, habang pinapanatili ang momentum ng mga programang pabahay ng pamahalaan, partikular ang Pambansang Pabahay para sa Pilipino (4PH) Program.
Binanggit ni Aliling na mahalaga ring balansehin ang pagtugon sa mga alalahanin ng mga developers at ang proteksyon ng mga homebuyers alinsunod sa umiiral na batas, batay sa direktiba ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.










