Ibinunyag ng Department of Information and Communications Technology (DICT) ngayong Martes na mino-monitor nila ang ilang scam hubs na nagpapanggap na Business Process Outsourcing (BPO) companies sa bansa.

Ito’y kasunod ng viral na video tungkol sa scam hub sa Cebu na nang-e-extort ng pera mula sa mga banyaga sa South Africa gamit ang pekeng investment website.

Ayon kay DICT spokesperson Asec. Renato Paraiso, karamihan sa mga ito ay matatagpuan sa mga urbanisadong lugar na may mabilis na internet at sapat na workforce.

Sinabi rin ng DICT na iniimbestigahan nila ang posibleng pagkukulang ng mga lokal na pamahalaan sa pagbibigay ng mga permit sa mga scam hub.

Makikipag-ugnayan din ang DICT sa Bureau of Immigration at National Telecommunications Commission para sa mas malalim na imbestigasyon.

-- ADVERTISEMENT --