
Nanawagan ang Department of Information and Communications Technology (DICT) at Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) sa Meta na palakasin pa ang mga hakbang nito laban sa pagkalat ng fake news sa social media.
Ayon sa mga ahensya, nagpadala na si DICT Secretary Henry Aguda ng liham kay Meta CEO Mark Zuckerberg upang hilingin ang agarang pagpapatupad ng mas matibay na safeguards sa platform.
Batay sa ulat ng Presidential Communications Office Anti-Fake News Desk, may mga social media post na nagkakalat ng maling impormasyon laban sa pangulo at ilang opisyal ng gobyerno, na maaaring makaapekto sa kaayusan at seguridad ng publiko.
Hiniling din ng DICT at CICC sa Meta na magpatupad ng mas mabilis na pagtanggal ng maling content, mas maayos na monitoring system, at mas malinaw na koordinasyon sa mga awtoridad bilang bahagi ng kampanya kontra disinformation.









