TUGUEGARAO CITY-Umaasa ang Department of Interior and Local Government o DILG-Cagayan na magiging maayos ang paglilipat ng kapangyarihan sa mga bagong halal na local chief executives.
Sinabi ni Ruperto Maribbay, director ng DILG Cagayan na sana ay isantabi na ng mga kumandidato ang pulitika dahil tapos na ang eleksion.
Sinabi ni Maribbay na una na silang bumuo ng transition team na mangangasiwa sa paglilipat ng kapangyarihan sa mga bagong halal na LCEs.
Ayon sa kanya, responsibilidad ng natalong kandidato na ibigay sa susunod na uupo sa pwesto ang mga mahahalagang dokumento at kailangan din na magkaroon ng invenstory sa lahat ng mga kagamitan ng LGU.