TUGUEGARAO CITY- Inaasahang muling magbubukas ang tanggapan ng Department of Interior and Local Government o DILG Region 2 sa Tuguegarao City sa susunod na Linggo.

Naka-lockdown ngayon ang nasabing tanggapan matapos na magpositibo sa rapid test ang dalawa nilang kawani.

Sinabi ni Jonathan Paul Leusen, director ng DILG Region 2, inaasahang malalaman ang swab test result ng dalawa ngayong Linggo.

Ang mga ito ay walang travel history at sila ay naka-strict home quarantine.

-- ADVERTISEMENT --

Sa ngayon aniya ay nagsasagawa sila ng disinfection sa kanilang tanggapan.

ang tinig ni Leusen