
Inihayag ni Secretary Juanito Victor “Jonvic” Remulla ng Department of the Interior and Local Government (DILG) na kung mabibigyan siya ng pagkakataon, nais niyang ipabuwag ang Sangguniang Kabataan (SK) sa mga lokal na pamahalaan sa bansa.
Ayon kay Remulla, sa mahigit 42,000 barangay sa Pilipinas, halos kalahati ng mga SK councils ay hindi aktibo sa unang taon dahil sa iba’t ibang dahilan tulad ng abala ng mga miyembro sa pag-aaral, pag-aasawa, o paglilipat ng tirahan.
Dagdag pa niya, makalipas ang dalawang taon mula sa halalan, iilan na lamang ang natitirang aktibong miyembro sa bawat konseho, at mataas ang attrition rate lalo na sa mga probinsya.
Aniya rin, kung hindi posible ang ganap na pagbuwag sa SK, puwede itong rebisahin o lagyan ng bagong estratehiya upang mas mapalakas ang youth empowerment sa bansa.










