Nais ni Interior and Local Government Secretary Jonvic Remulla na sumailalim sa drug test si Reina Mercedes, Isabela Vice Mayor Harold Respicio matapos ang mainitang insidente sa sesyon ng Sangguniang Bayan.

Sinabi ni Remulla na ipinapayo niya ang drug test kay Respicio dahil sa umano’y hindi magandang asal nito habang nakikipagtalo sa mga barangay official.

Sinabi rin ng kalihim na pinag-aaralan ng DILG ang posibleng pagpapalabas ng show-cause order upang pag-explain-in si Respicio sa kanyang naging kilos.

Maaari rin umanong masangkot sa alegasyon ng pang-aabuso sa isang person in authority ang insidente matapos umanong sigawan ng bise alkalde ang isang pulis.

Samantala, sinabi ni Respicio na handa siyang sumailalim sa drug test at wala siyang pinagsisisihan sa kanyang naging kilos, kabilang ang pagsigaw sa mga punong barangay.

-- ADVERTISEMENT --