Inihayag ng Department of Public Ways and Highways (DPWH) na tinanggal na si Bulacan First District Engineer Henry Alcantara kaugnay sa “ghost” flood control projects sa nasabing lalawigan.

Sinabi ni DPWH Secretary Vince Dizon na irerekomnenda din niya ang pagsasampa ng criminal complaints laban kay Alcantara.

Una rito, sinabi ni Alcantara na sinibak sa kanilang puwesto nitong nakalipas na buwan ang buong personnel ng kanyang DPWH district kasunod ng imbestigasyon sa mga maanomalyang flood control projects.

Sinabi din ni Dizon na permanente nang blacklisted ang flood control contractor Wawao Builders.

Samantala, nagbitiw sa puwesto si Philippine Contractors Accreditation Board (PCAB) Executive Director Atty. Herbert Matienzo.

-- ADVERTISEMENT --

Kinumpirma ni Department of Trade and Industry (DTI) Secretary Maria Cristina Roque na nagbitiw si Matienzo kahapon dahil umano sa personal na mga dahilan.

Inihayag kahapon ni Roque na inilagay niya sa kanyang direct supervision ang Construction Industry Association of the Philippines (CIAP) at ang implementing boar5d nito, ang PCAB.

Ang nasabing hakbang ay matapos na isiwalat niya ang pagbuo ng fact-finding team para pangunahan ang imbestigasyon sa PCAB kasunod ng mga alegasyon ng conflicts of interest, accreditation irregularities, at potensiyal na abuse of authority sa gitna ng mga imbestigasyon sa mga anomalya sa flood control projects.

Kaugnay nito sinabi ni Dizon noong Lunes na magkakaroon ng balasahan sa PCAB.