Sinabi ni DPWH Secretary Vince Dizon na handa siyang umalis sa puwesto kung ituturing nang tapos ang kanyang appointment bilang kalihim ng ahensya.

Ito ay matapos kuwestiyunin ni Senator Imee Marcos ang status ng kanyang appointment, na ayon sa senador ay nag-expire na noong September 1, 2026 matapos ang isang taong acting appointment.

Ayon kay Dizon, wala pa siyang nakakausap sa Office of the President para linawin ang usapin. Sinabi naman ng kanyang chief of staff na nagpapatuloy ang kanyang appointment hanggang sa mag-adjourn o mag-recess ang Kongreso, saka kailangan ng reappointment.

Sa nakalipas na isang taon, sinabi ni Dizon na 61 DPWH personnel na umano’y may kaugnayan sa mga anomalya ang natanggal sa puwesto, habang 19 contractors ang na-refer sa Ombudsman at 11 contractors ang na-blacklist.