Patuloy ang ginagawang information dessimination ng Department of Migrant Workers (DMW) Region 2 tungkol sa illegal recruitment.
Sinabi ni Atty. Rommelson Abbang, OIC ng nasabing tanggapan na nagpupunta sila sa mga barangay, mga bayan at lungsod at nagsasagawa sila ng anti-illegal recruitment seminar.
Ayon kay Abbang, patuloy ang kanilang pagbibigay ng babala at mga paalala sa mga nagnanais ng magtrabaho sa abraod na tiyakin na lehitimo ang inaaplayan na recruitment agency o indibidual.
Sinabi niya na maaari na itawag o sumadya sa kanilang tanggapan upang beripikahin kung ang agency o indibidual na kanilang katransaksion o ligal dahil mayroon silang data base at listahan ng mga rehistradong recruitment agencies.
Payo din ni Abbang na huwag basta-basta maniniwala sa mga nag-aalok ng mabilis at maraming benepisyo online para sa trabaho abroad.
Samantala, sinabi naman ng Overseas Workers Welfare Administration o OWWA Region 2 na wala pang OFW na mula sa Region 2 ang apektado ng kaguluhan sa Lebanon.