
Sisimulan na ng Department of Energy o DOE ang pagpaparehistro para sa Qualified Suppliers sa ilalim ng Special Auction Round para sa Waste-to-Energy (WTE).
Magiging epektibo ang registration simula Mayo 25, araw ng Lunes.
Bahagi ito ng Green Energy Auction Program kung saan bubuksan ang mga aktibidad para sa 230-megawatt auction para sa thermal combustion WTE technology.
Ayon sa DOE, inilunsad ang Special Auction Round for WTE noong Disyembre 30, 2025 sa pamamagitan ng paglalabas ng Notice of Auction at Terms of Reference.










